Itutuloy na ang paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng International Criminal Court ang lahat ng isinampang kaso laban sa kanya.

Ayon sa Pre-Trial Chamber I ng ICC, may sapat na ebidensya para paniwalaang may kinalaman si Duterte sa mga krimen laban sa sangkatauhan, kabilang ang pagpatay at tangkang pagpatay.

Kabilang sa mga kasong haharapin ni Duterte ang mga pagpatay na nangyari sa Davao City noong siya ay alkalde mula 2013 hanggang Hunyo 2016.

Kasama rin ang mga pagpatay sa mga tinukoy na high-value targets sa iba’t ibang lugar sa bansa noong siya ay pangulo mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 17.

Isa pa sa mga kaso ang pagpatay at tangkang pagpatay na nangyari sa mga barangay clearance operations mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Binanggit din ng ICC ang 49 na insidente na may kaugnayan sa kampanya kontra droga bilang bahagi ng ebidensya.

Sa parehong dokumento, isinama rin bilang mga umano’y kasama sa krimen sina Senador Ronald dela Rosa at Senador Christopher Lawrence Go.