Nagbukas ang International Criminal Court (ICC) ng trabaho para sa transcribers na bihasa sa tagalog at Cebuano.

Ang nasabing career opportunities ay nailista sa ilalim ng ICC Office of the Prosecutor Language Services Unit at ito ay individual contractor at short-term basis.

Nakasaad sa job posting na sa sandaling ma-accredit, mag-aalok ang ICC ng kontrata para sa transcription services para sa freelance transcribers.

Bagamat hindi nakasaad sa post kung ang nasabing trabaho ay may koneksion sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nataon ito sa aplikasyon ng ICC Office of the Prosecutor para sa warrant of arrest laban kay Duterte para sa kasong crimes against humanity noong February 10.

Matatandaan na inaresto si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport pagdating niya mula sa Hong Kong noong March 11 at dinala siya sa ICC headquarters sa The Hague, Netherlands sa nasabi ring araw.

-- ADVERTISEMENT --

Una siyang humarap sa ICC Pre-Trial Chmaber I noong March 14, kung saan ipinalaam sa kanya ang kanyang mga kaso at kanyang mga karapatan.