Tinanggihan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa interim release, at iniutos na manatili siyang nakakulong habang nagpapatuloy ang mga paglilitis sa kasong crimes against humanity na kinahaharap niya.

Pinagtibay ng Appeals Chamber ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber I na nagsabing maaaring malagay sa panganib ang mga testigo, ebidensya, at integridad ng imbestigasyon kung palalayain ang dating Pangulo.

Matatandaang tutol din ang prosekusyon at mga kinatawan ng mga biktima, na nagsabing nananatili ang impluwensya ni Duterte na maaaring makaapekto sa takbo ng hustisya.

Mananatiling nasa kustodiya ng ICC si Duterte sa Scheveningen Prison sa The Hague habang nagpapatuloy ang pre-trial proceedings.

Nahaharap siya sa tatlong bilang ng murder kaugnay ng 49 pagpatay, na umano’y kaugnay sa madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --