Tinanggihan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang apela na inihain ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa naunang desisyon na nagbasura sa kanyang pagtutol sa hurisdiksyon ng korte.

Ang unang batayan ng apela na ibinasura ng hukuman ay ang argumento ng depensa na nagkamali umano ang Pre-Trial Chamber sa batas nang sabihing may hurisdiksyon pa rin ang Korte.

Ayon sa hukuman, ang pag-urong ng isang Estado mula sa Statute ay walang bisa kung patuloy pa ring ginagamit ng ICC ang hurisdiksyon nito laban sa isang hindi miyembrong Estado.

Ang ikalawang batayan ng apela na tinanggihan ay ang pahayag ng depensa na nagkamali ang Pre-Trial Chamber sa pagsasabing ang preliminary examination ay maaaring ituring na isang usaping nasa ilalim ng konsiderasyon ng korte.

Iginiit din ng depensa na ang salitang “court” ay hindi kasama ang Office of the Prosecutor para sa Article 127(2).

-- ADVERTISEMENT --

Sa huling argumento, inapela ng depensa na nagkamali ang Pre-Trial Chamber nang sabihing pinapayagan ng layunin ng Rome Statute ang pagsasagawa ng imbestigasyon kahit tapos na ang pag-alis ng Pilipinas sa Statute.

Sagot ng hukuman, ang pagpapatuloy ng preliminary examination lampas sa isang taong palugit ng pag-atras ay nagpapakita ng balanse sa pagitan ng mga responsibilidad na tinatanggap ng mga Estado sa ilalim ng Statute—kabilang ang layunin na wakasan ang impunnity—at ng karapatan ng mga Estado na umatras sa loob ng malinaw na takdang panahon.”