Hinimok ng International Criminal Court (ICC) ang mga indibidwal na may kaalaman sa mga krimen na isinagawa ng Duterte administration sa kontrobersyal na war on drugs na makipagtulungan sa kanila.

Sa public noice na inilabas, nanawagan ang ICC sa potential witnesses na magbahagi ng impormasyon kaugnay sa mga umano’y crimes against humanity— kabilang ang mga pagpatay, torture, at sexual violence na naganap sa pagitan ng Hunyo 2016 at Marso 2019.

Umapela rin ito sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies na sangkot sa drug war operations.

Naglunsad ng website ang ICC kung saan maaaring makapagbigay ng impormasyon ang mga interesadong witness.

Hindi oobligahin ng website ang paglalagay ng pangalan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang apela ng ICC ay kasunod ng paghamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa court representatives na magtungo sa Pilipinas at imbestigahan siya.