Laking gulat ng isang doktor sa Mumbai, India sa kaniyang biniling ice cream.
Dahil sa sobrang init ng panahon natunaw ang kaniyang kinakaing ice cream at bigla na lamang lumitaw ang isang sangkap na inakala niyang mani ngunit nang tumagal ito pala ay daliri ng tao.
Sinubukan niya itong kagatin at muling tinitigan nang mabuti at nakitang daliri nga ng tao.
Dahil dito, agad niyang ipinaalam sa pulisya ang pangyayaring ito para imbestigahan.
Natuklasan naman ng mga pulis na ang nagmamay-ari ng daliri ay isang staff ng Pune factory ng Yummo ice cream na nakaranas ng finger injury sa isang aksidente.
Napag-alaman ng mga ito na ang ice cream kung saan nakita ang daliri ay inilagay sa pakete sa araw na nangyari ang aksidente.
Dinala ng pulisya ang sample para sa DNA test para kumpirmahin kung ang staff na naputulan ng daliri ang may-ari sa nakitang daliri sa ice cream.
Kasunod ng reklamo sa pulisya, nagsampa sila ng kaso laban sa Yummo ice cream dahil sa food adulteration at endangering human life.
Sinuspindi na rin ng Food Safety Standards ng India ang lisensiya ng manufaturer na nagsusuplay ng ice cream sa Yummo.
Lumika din ito ng hinala na may mas malaking krimen sa likod ng nasabing insidente at iniimbestigahan na ng pulisya ang lahat ng anggulo.