Hindi ilalabas ng Independent Commission for Infrastructure ang mga recording ng kanilang mga nakaraang pagdinig, ayon kay ICI Chair Andres Reyes Jr.

Paliwanag niya, patuloy pa silang nangangalap ng ebidensya, kaya’t hindi maaaring isapubliko ang mga ito.

Matatandaang noong Miyerkules, sinabi ni Reyes sa Senado na magsisimula na sanang i-livestream ng ICI sa susunod na linggo ang kanilang imbestigasyon hinggil sa mga kuwestiyonableng flood control at iba pang proyekto ng gobyerno.

Gayunman, nilinaw ng ICI nitong Huwebes na kailangan pa nilang pag-aralan at ihanda ang rules of procedure at parameters bago tuluyang simulan ang live streaming ng mga pagdinig.