Nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na imbestigahan si dating secretary Manuel Bonoan at undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for public officials kaugnay sa P69.4 million ghost project sa Plaridel, Bulacan.

Tinukoy ni ICI chairperson Andres Reyes, Jr. ang proyekto na ang Riverbank Protection Structure sa Barangay Bagong Silang (Purok 4), Plaridel, Bulacan na unang tinukoy ng Commission on Audit na ginawa sa mismatched project site na hindi umabot sa approved specifications.

Ang nasabing proyekto, na ginawa ng TopnotchCatalyst  Builders, Inc., ay wala ring supportive documents para sa validation.

Hiniling din ng ICI sa Ombudsman na magsagawa ng evaluation kung maaaring magsampa ng kaso laban kina Engineer Henry Alcantara, Engineer Brice Erickson Hernandez, at iba pa, para sa malversation, violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.

Una rito, sinabi ng COA na nabayaran na ng buo ang proyekto sa Plaridel subalit walang makitang proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbitiw sina Bonoan at Cabral sa kanilang puwesto.