
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang matapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sinabi ng Pangulo na naimbestigahan na ng ICI ang mga dapat na imbestigahan kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Marcos, ang kapalaran ng ICI at depende sa natitira nilang trabaho.
Samantala, sinabi ni Marcos na wala pa siyang desisyon kung may itatalagang bagong commissioners kasunod ng pagbibitiw nina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rossana Fajardo.
Ipinaliwanag niya na kung kailangan pa ng mga bagong commissioners ay magtatalaga siya ng mga bago, subalit nakadepende pa rin ito sa hindi pa natatapos na trabaho ng ICI.
Gayunman, sinabi niya na kung naibigay na lahat ng impormasyon sa Department of Justice at Ombudsman, ang magiging focus ngayon ng imbestigasyon ay sa nabanggit na dalawang tanggapan.










