Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na posibleng mayroon na lamang isa o dalawang buwan ang Independent Commission for Infrustructure (ICI) bago tapusin ang kanilang imbestigasyon at isusumite ang lahat ng kanilang findings sa umano’y maanomalyang flood control projects sa kanyang tanggapan.

Sinabi ni Remulla na hindi naman forever ang ICI at mayroon namang batas na lumikha sa Office of the Ombudsman, na aktibo umano ngayon.

Ang mga pahayag ni Remulla ay kasunod ng pagpapaliwanag ni Rogelio Singson sa kanyang pagbibitiw niya sa ICI, hindi naman umano nakakabigla sa Ombudsman.

Ayon kay Remulla, matagal nang sinasabi sa kanya ni Singson na aalis siya sa ICI, at hanggang ngayong Disyemre lang ang pakay niyang manatili sa nasabing komisyon.

Una rito, nagpaliwanag si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Singson sa kanyang dahilan sa pagbibitiw bilang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

-- ADVERTISEMENT --

Sa naging pahayag nitong Huwebes, December 4, inilahad niyang mabigat para sa kanya ang trabaho ng pag-aaral ng applicable laws kaugnay sa bawat pagdinig sa ICI.

Aniya, hindi na raw kaya ng edad niya ang stress mula sa mga tungkulin sa naturang independent commission.