
Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nakahanda na ang kanilang technical team para sa pangakong livestreaming ng kanilang mga pagdinig.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, nagsasagawa na sila ng mga test run upang masiguro na gumagana ang lahat ng kanilang sistema at kagamitan.
Ito ay upang maisapubliko ang mga impormasyong nais ibahagi ng resource persons sa bawat hearing at upang maiwasan ang mga pagdududa.
Sa ngayon, pinag-uusapan pa ang “retroactive” livestreaming guidelines ng ICI.
Sinabi ni Hosaka na maaaring isapubliko ang mga testimonya ng mga resource persons o testigo na unang humarap sa komisyon.
Pero, kailangan pa aniya rito ng consent, at exempted din sa general rule kung pasok sa executive session ang hearing.










