Inihayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasalukuyan nitong sinusuri ang posibilidad na magsampa ng indirect contempt case laban kay dating mambabatas Zaldy Co matapos hindi tumugon sa dalawang subpoenas ng komisyon.

Ayon sa ICI, may dalawang beses na silang nagpadala ng subpoena kay Co ngunit hindi ito tinanggap o sinunod.

Kasabay nito, pinag-aaralan din ng ICI ang mga alegasyon ni Co tungkol sa diumano’y katiwalian sa ilang proyekto ng flood control at sa umano’y P100 bilyong pondo sa pambansang badyet ng 2025.

Bagaman inilabas ni Co ang kanyang mga pahayag sa serye ng mga video, sinisiyasat ng komisyon kung ang mga ito ay sapat at maaasahang ebidensya.

Pinapaalalahanan din ng ICI ang sinumang may alam na impormasyon na personal na magpahayag sa ilalim ng panunumpa upang mas mapagtibay ang ebidensya na maaaring isumite sa Office of the Ombudsman para sa karagdagang aksyon.

-- ADVERTISEMENT --