Patuloy na pinag-aaralan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang posibilidad na tanungin muna ang kanilang resource person kung gusto ng mga ito na i-livestream ang pagsalang sa pagdinig o bawat hearing.

Ito’y kasunod sa hiling ng publiko na transparency sa isinasagawang pagdinig ng Komisyon sa kanilang mga iniimbitahan para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control anomaly.

Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes, maaari kasing hilingin ng mga ‘potential witness’ na huwag i-livestream lalo na kung banta sa kanilang seguridad ang pagtestigo.

Dagdag pa ni Reyes, naantala umano ang livestream dahil sumasalang pa ang rules of procedure para sa evaluation.

Samantala, nakatakda namang humarap si dating Undersecretary Roberto Bernardo sa November 17, na ilang beses nang humiling na ipagpaliban ang muli niyang pagharap sa komisyon.

-- ADVERTISEMENT --