Bumaba ang inflation rate nitong buwan ng Hunyo at ito ang pinakamababa sa loob ng apat na buwan.

Ito ay bunsod ng mas mabagal na pagtaas ng housing, tubig, electricity, gas at iba pang fules at transport items.

Batay sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang consumer price index sa 3.7 percent year on year noong Hunyo, bahagyang bumaba mula sa 3.9 percent noong Mayo at 5.4 percent sa parehong panahon nitong nakalipas na taon.

Ang nasabing inflation ay ikapitong sunod na buwan na naitala sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong ito.

Sa loob ng anim na buwan, naitala ang inflation sa average na 3.5 percent na mas mababa sa 7.2 percent noong June 2023.

-- ADVERTISEMENT --