TUGUEGARAO CITY- Nagpatupad na ng lockdown ang Ifugao laban sa African Swine Fever o ASF.

Ito ay sa pamamagitan ng executive order na inilabas ni Governor Jerry Dalipog na nangangahulugan na bawal na ang pagpasok ng mga buhay na baboy at meat products sa lalawigan.

Sinabi ni Dalipog na mananatili ang lockdown hanggat walang deklarasyon ang Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture na ligtas na sa ASF ang bansa.

Idinagdag pa ni Dalipog na ito ay upang matiyak na walang makakapasok na baboy na may ASF sa Ifugao na tiyak na makakaapekto sa mga hog raisers.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos din ng gobernador ang pagsasagawa ng mahigpit na quarantine checkpoints.

Samantala, nagsasagawa ng information drive ukol sa ASF ang mga kinauukulan sa Cordillera sa mga meat vendors, hog raisers at maging sa mga local officials.