Target ng Solana Police Station na igawad anumang araw ngayong Linggo ang ikalawang libreng pabahay project sa napili nilang benepisaryo mula sa Brgy Sampaguita, Solana.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Gaudencio Pagulayan, deputy chief of police ng PNP-Solana na ang naturang benepisaryo ay nakatira sa isang maliit na barung-barong at ang higaan ay gawa sa sako at carton lamang.

Ayon kay Pagulayan na tinatapos na lamang ang pagpipintura sa naturang bahay at pagkatapos nito ay maaari nang lipatan.

Matatandaan na ang unang benepisaryo para sa libreng pabahay project ng PNP-Solana ay mula sa Brgy Andarayan na kabilang sa poorest of the poor.

Tiniyak din ni Pagulayan na magpapatuloy ang programang ito ng pulisya upang mabigyan ang mga lubos na nangangailangan ng isang maayos at matibay na bubong na masisilungan.

-- ADVERTISEMENT --

VC PAGULAYAN

Samantala, sinabi ni Pagulayan na mula sa 35 barangay na apektado sa iligal na droga ay 31 na rito ang idineklarang drug cleared at tatlong drug free barangay.

Ang nalalabi namang apat na barangay ay inaantay na lamang ang approval nito para sa drug clearing ng PDEA.