TUGUEGARAO CITY-Pinasinayaan na ang ika-pitong bahay silangan sa probinsya ng Cagayan na siyang ika-23 naman sa rehiyon na matatagpuan sa bayan ng Peñablanca.
Ayon kay Agent Rosenia Cabalza ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA), isa ito sa mga requirement para maideklarang drug cleared ang sa isang bayan.
Aniya, anim na katao na boluntaryong sumuko sa otoridad na may kaugnayan sa illegal na droga ang kanilang inilagay sa bagong bukas na “bahay Silangan”.
Matapos ang dalawang buwan ay sasailalim sa pagsasanay ang mag ito sa livelihood program na makatutulong sa kanilang pagbabagong buhay.
Ang bahay silangan ay pangangasiwaan ng local Government Unit (LGU) at PDEA.
Sa ngayon, 23 na mula sa 24 na barangay sa Peñablanca ang naideklarang drug cleared kung saan kasalukuyan na umanong inaayos ang dokumento ng isa pang barangay para tuluyan nang maideklarang drug cleared ang bayan ng Peñablanca.
Samantala, bukas, Hulyo 2,2021 ay papasinayaan na rin ng PDEA ang bahay silangan sa bayan ng Lasam, Cagayan.