Inilaan ang ikalawang koleksyon sa mga misa ngayong araw sa lahat ng simbahan sa lalawigan ng Cagayan para sa mga matinding naapektuhan ng malakas na lindol sa probinsya ng Abra.
Ito ay batay sa apela ng Archdiocese of Tuguegarao na matulungan ang mga komunidad na labis na naapektuhan ng pagyanig lalo na sa Region I at CAR.
Inihayag ng kura paruko ng St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Solana na si Rev. Fr. Gary Agcaoili, ang ikalawang koleksyon at iba pang malilikom na donasyon ay mapupunta sa Arsobispo ng Abra at iba pang lugar na matinding nasalanta ng lindol.
Kasabay nito ay hinikayat ni Fr. Agcaoili ang mga mananampalataya na suportahan ang kaugnay na inisyatiba at makipag-ugnayan lamang sa kanilang simbahan para maisama itong maipdala sa mga biktima ng lindol sa susunod na Linggo.
Kasabay nito ay magtutungo na rin sa araw ng Martes sa Abra ang 40 medical team na pangungunahan ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) chief Dr Glen Mathew Baggao upang tumulong sa mga pasyente na biktima ng lindol.