Matapos isagawa sa lungsod ng Santiago, Isabela noong buwan ng Mayo ngayong taon ay muling isasagawa ng Department of Trade and Industry Region 2 ang “Diskwento Caravan cum mobile product standards showcase” sa municipal hall ng Camalaniugan, Cagayan sa araw ng Huwebes, July 11.
Layon nito na maghatid ng mga de kalidad na produkto sa mga residente sa Norte sa murang halaga at ituro kung paano magkilatis ng mga produktong ligtas at pasado sa pamantayan ng DTI.
Ayon kay Atty. Cyrus Restauro, consumer protection division chief ng DTI-RO2 na maaring makapamili ang mga residente ng mga produkto na may 5-70% discount.
Mula sa mga pangunahing pangangailangan ay inaalok rin sa naturang aktibidad ang mga appliances na may diskwento.
Tampok sa showcase ang aktwal at larawan ng mga produkto na nasa ilalim ng mandatory certification.
Kumpirmado namang makikilahok sa naturang caravan ang walong exhibitors mula sa general merchandize, groceries, food business at home appliances.