Naghain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang religious groups at lawyers sa Office of the Secretary General ng House of Representatives kaninang umaga.
Isinumite ng grupo na pinangunahan ni Amando Virgil Ligutan ang impeachment complaint sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco kaninang 11:45 a.m.
Base sa kopya na ipinakita ni Ligutan sa media, ginamit na grounds for impeachment ang culpable violation of the Constitution, bribery, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Ang unang impeachment complaint laban kay Duterte ay inihain ng civil society organizations.
Ito ay inindorso ni Akbayan party-list Rep. Percival CendaƱa noong December 2.
Inihain naman ang ikalawang impeachment complaint ng mahigit 70 na mga kinatawan mula sa mga progresibong grupo na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan noong December 4.
Inimbestigahan ang tanggapan ni Duterte ng House committee on good government and public accountability dahil sa alegasyon ng hindi tamang paggasta sa confidential funds para sa Office of the Vice President at Department of Education, kung saan siya ang dating kalihim.