TUGUEGARAO CITY-Naghahanap na lamang umano ng lupa ang Cagayan Provincial Jail para pagtayuan ng isa pang jail facilitysa unang distrito ng lalawigan.

Sinabi ni CPJ OIC Catalino Arugay na kailangan na batay sa batas, dapat na may isang jail facility sa bawat distrito ng probinsiya.

Sa ngayon kasi ay dalawa na lang ang provincial jail sa Cagayan,sa Tuguegarao City at Sanchez Mira.

Matatandaan kasi na isinara ang piitan sa Aparri,Cagayan dahil sa inuupahan lang ang lupa na kinatatayuan nito at may kalumaan na rin ang nasabing pasilidad.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Arugay na kung matutuloy ang plano ay makakatulong ito upang mapaluwag ang iba pang piitan sa lalawigan at maaari na ring tanggapin ang mga nahuhuli dahil sa iligal na droga.

Samantala, sinabi ni Arugay na lagda na lamang ang kailangan para sa memorandum of agreement sa pagitan ng CPJ at Philippine Drug Enforcement Agency para sa drug clearing sa mga piitan.

Sinabi pa ni Arugay na nakapaloob din sa kasunduan ang drug testing sa mga empleado ng kapitolyo para maitaguyod ang drug free institution.