Umaabot sa 329 gold medal events sa Paris Olympics 2024 kung saan 39 medals ang mapapanalunan sa penultimate day ng kompetisyon sa August 10.

Ang unang medalya ng Games ay sa shooting-mixed team air rifle- at inaasahan na mapapanalunan ito ngayong araw.

Ang huling medalya naman ay ibibigay sa women’s basketall sa August 11.

Samantala, inihayag ng World Athletics na ito ang kauna-unahang international federation na magbibigay ng prize money sa Olympic Games.

Ayon sa global governing body na ang kabuuang cash prize ay $2.4m (£1.9m), kung saan ang gold medallists ay makakatanggap ng $50,000 (£39,400).

-- ADVERTISEMENT --