TUGUEGARAO CITY-Sumasang-ayon ang isang miembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps)sa naging panukala ni Sen. Cynthia Villar na sa halip na pera ang ibibigay, ay bigas na lamang.
Ayon kay Josiebel sibal ng Brgy Ugac Norte dito sa lungsod ng Tuguegarao, ayos lamang sakanya ang naturang panukala,basta’t hindi stock o sirang bigas ang kanilang ibabahagi.
Ngunit sakabila nito, kanyang hinihiling na sana ay huwag mapalitan ng bigas ang mga ibinibigay na educational at health grants.
Ito ay dahil malaking tulong ang natatanggap na tulong pinansyal sakanilang mga gastusin.
Samantala, umapela si Sibal sa mga kapwa nito 4Ps members na gamitin sa tama , wasto at legal ang kanilang natatanggap na tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Malaking kawalan din aniya ang natatanggap na tulong kung sakaling mawala o tanggalin ang naturang programa dahil sa pagka irresponsable ng ilang 4Ps members.
Matatandan, ipinanukala ni Villar ang pagpalit ng bigas sa perang natatanggap ng 4Ps members dahil sa ilang natatanggap ng kanyang opisina na ang ilang benipisaryo ay ginagamit sa pagsusugal ang natatanggap na tulong pinansyal.