TUGUEGARAO CITY- Positibo sa African Swine Fever ang ilang baboy sa Kalinga.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Cameron Odsey, executive regional director ng Department of Agriculture sa Cordillera Administrative Region.
Sinabi ni Odsey na lumabas sa confirmatory test sa mga kinuhang blkood samples sa ilang baboy sa Lubo, Tanudan, San Juan at Bulanao, Tabuk City.
Bukod dito, sinabi ni Odsey na may kumpirmado ring ASF sa La Trinidad at Tuba sa Benguet.
Sinabi ni Odsey na nanganganin na maapektuhan ang 90,000 na swine industry sa Kalinga habang 35,000 naman sa Benguet kung hindi mapipigilan ang paglaganap ng ASF sa mga baboy.
Dahil dito, sinabi ng opisyal na dapat na paigtingin ang mga hakbang upang maiwasan na kumalat ang ASF sa buong Kalinga at Benguet sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa mga quarantine checkpoints.
Samantala, sinabi naman ni Mariano Dunuan, veterinarian ng Kalinga na muli silang kukuha ng blood samples sa mga lugar na may mga namamatay na mga baboy.