Umaapela ang ilang residente sa Barangay Namabbalan Sur, Tuguegarao City sa Department of Public Works and Highways at sa Megay Construction na ituloy na ang flood control project sa kanilang lugar.

Sinabi nina Lucille Malana at Bernadette Quizon, residente sa nasabing lugar na nababahala sila na tuluyan nang babagsak ang bahagi ng kanilang bahay dahil sa pagkatibag ng lupa bunsod ng sinimulan na paghuhukay para sa proyekto.

Sa katunayan, sinabi ni Lucille na may dalawang banyo na ang nahulog, na isa lang umano ang pinalitan.

Ayon sa kanya, na malapit na ring mahulog ang kanyang kusina na nagkaroon na ng mga bitak.

Sinabi pa ni Lucille na September 2024 ang nakalagay sa karatula na sinimulan ang proyekto, subalit sinimulan ito noong Marso ng 2024, at dapat ay matatapos ito sa November ngayong taon, subalit wala pang halos nasimulan na flood control sa halip ay tinibag lamang ang lupa.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi niya na halos tatlong buwan na ay wala pa rin silang nakikita na nagtatrabaho sa proyekto.

Kasabay nito, sinabi nina Lucille at Bernadette na payag naman sila na ma-relocate basta maayos at hindi malayo ang relocation site.

Subalit, iginiit niya na hindi naman na sana kailangan na sila ay ma-relocate kung tatapusin lamang ang flood control project.