TUGUEGARAO CITY- Isolated ang ilang barangay sa Santa Ana, Cagayan dahil sa hightide at pinalala pa ng tubig mula sa mga bundok kasunod ng pag-landfall ng bagyong “Ramon”

Sinabi ni Vice Mayor Gaylord Ibus na hindi na mapasok ang mga barangay ng Visitacion, Casambalangan, Marede at Parada- Batu dahil sa abot na hanggang leeg ng tao ang tubig baha.

Ayon kay Ibus, rubber boats na ang kailangan upang ma-rescue ang mga nakulong na mga residente sa kanilang mga bahay dahil sa maging sa Centro o Poblacion ay abot na rin sa baywang ang tubig baha.

Sinabi pa ni Ibus na mayroon nang dalawang rubber boats ang Philippine Coast Guard subalit kulang ito dahil sa maraming barangay pa ang kailangan na mapasok at ma-rescue ang mga residente.

Kasabay nito, sinabi ni Ibus na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaranas sila ng malawakang pagbaha dahil ang mga dating hindi binabaha ay binaha kaya hindi rin napaghandaan ng mga residente.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Ibus

Samantala,maraming lugar na sa Cagayan ang walang supply ng kuryente.

Sinabi ni Jeff Mendoza ng CAGELCO 1 na ito ay dahil na rin sa mga sanga ng kahoy at mga kawayan na nakasampa sa mga linya ng kuryente.

Bukod dito, mayroon din umanong nabuwal na mga puno na tumama sa mga mga linya ng kuryente.