Isolated ngayon ang mga barangay sa Upper Tanudan sa lalawigan ng Kalinga dahil sa kabi-kabilang landslide o mga pagguho ng lupa dulot ng Bagyong Uwan.

Ayon kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, hirap mapuntahan ang anim na barangay dahil sa kabi-kabilang landslide at pagkasira ng dalawang tulay na nasa national highway dulot ng flash flood.

Ngayong araw ay sisimulan ang clearing operation sa mga naitalang pagguho ng lupa upang mahatiran ng tulong ang mga barangay na hirap mapuntahan.

Bukod dito nasa apat na hanging bridge rin ang nasira sa Tanudan habang sampung lansangan naman ang impassable.

Sa ngayon ay nasa halos 200 pamilya na lamang ang nananatili sa 35 evacuation center sa Tabuk, Pinukpuk at Tanudan habang ang iba ay nakauwi na rin, kahapon.

-- ADVERTISEMENT --

Ilang bayan rin sa naturang lalawigan ang nananatiling walang kuryente habang inaasahan na magiging malaki ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastruktura.

Dagdag pa ni Manganip na nakatakdang ideklara ang state of calamity sa lalawigan ng Kalinga dahil sa lawak ng pinsala ng bagyo habang nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Tanudan.