
Labing siyam na bayan sa Cagayan ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa bagyong Emong.
Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Rizal, Sta Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Buguey, Sta Teresita, Sta Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao maging ang Babuyan Islands.
Habang ang nalalabing bahagi ng probinsiya ng Cagayan ay nakataas sa signal no. 1.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 220km kanlurang timog-kanluran ng Bacnotan, La Union o 210 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay pa rin ng bagyong Emong ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna na may pagbugso na 150 km/h at mabagal na kumikilos patimog timog-silangan.
Nakataas naman ang signal no. 3 sa hilagang bahagi ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani),kanlurang bahagi ng La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, City of San Fernando, Bauang, Caba, Bangar), at timog-kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin).
Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ng mga kinauukulan ang publiko sa malakas na ulan na dala ng bagyo dahil posible itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, tinatayang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ngayong hapon ang bagyong Dante, habang ang isa pang bagyo na nasa labas ng PAR at hindi magkakaroon ng direktang epekto sa bansa dahil hindi ito papasok sa ating teritoryo.