Bumilis pa ang galaw ng bagyong Enteng na may international name na YAGI at ito ay huling namataan sa coastal waters ng Vinzons, Camarines Norte.
Ito ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour na halos doble sa dati nitong paggalaw na 15 km/h.
Sa pagtaya, mapapanatili ng bagyo ang bilis nito hanggang mamayang gabi at ito ay posibleng nasa coastal area ng Isabela at Cagayan.
Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Habang nasa karagatan, patuloy itong lalakas at posibleng maging isang severe tropical storm o typhoon habang nasa extreme northern Luzon.
𝗡𝗮𝘀𝗮 𝗧𝗖𝗪𝗦 𝗡𝗼. 𝟯 𝗮𝘁 𝟰 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻.
Sa pagataya, posibleng mag-landfall ang bagyo sa mainland Northern Luzon o Babuyan Islands.
Ngayong araw ay makakaranas ang mainland Luzon ng mga pag-uulan na dulot ng bagyo subalit posibleng magbago ang direksyon nito dahil sa namumuong ridge of high pressure.
Ang bagyong ENTENG ay 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗱𝘂𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻, lalo na sa Extreme Northern Luzon.
Ang ‘𝗲𝗻𝗵𝗮𝗻𝗰𝗲𝗱’ 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗱𝘂𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Sa paglayo ng bagyo sa weekend, posibleng unti-unting humupa ang mga pag-uulan sa Luzon.
Sa ngayon ay nakataas na ang signal No. 2 sa northeastern portion of Camarines Norte, northeastern portion of Camarines Sur, eastern portion ng Cagayan na kinabibilangan ng Penablanca, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Ana, Lasam, Santo Nino, Alcala, Amulung, Solana, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Aparri, Ballesteros, Camalaniugan, Allacapan, Piat, Tuao, Rizal, Abulug, Pamplona, kabilang na ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela, Polillo Islands, eastern portion ng Quirino, at eastern portion ng Kalinga.
Signal No. 1 naman sa southern portion ng Batanes, eastern portion of Ilocos Norte, Apayao, nalalabing bahagi ng Kalinga, eastern portion of Ifugao, natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, eastern portion ng Nueva Vizcaya, Aurora, eastern portion ng Nueva Ecija, eastern portion of Bulacan, eastern portion of Rizal, northern and southern portions of Quezon, Marinduque, nalalabing bahagi Camarines Norte at Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, at ang northern portion of Masbate.