Hinahambalos na ng malakas na hangin ang Northern Luzon simula kaninang madaling araw dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong Marce.

Taglay ni Marce ang lakas ng hangin na nasa 155 km/h at pagbugso ng hangin na aabot sa 190 km/h habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Inaasahang unang maglandfall ito sa Santa Ana, Cagayan ngayong tanghali.

Signal no. 4 na sa northeastern mainland Cagayan gaya ng Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira kabilang ang Babuyan Islands at northeastern portion ng Apayao o sa Santa Marcela

Signal no. 3 sa southern portion ng Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, Ilocos Norte, at northern portion ng Abra.

-- ADVERTISEMENT --

Signano no. 2 sa nalalabing bahagi ng Batanes, northern at at central portions ng Isabela, nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao, northern portion ng Benguet, Ilocos Sur, at northern portion ng La Union.

Signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora, northern portion ng Nueva Ecija at northern portion ng Zambales

Sa loob ng 12 oras ay inaasahang nasa karagatan na ito ng Cagayan bago mag-landfall sa mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao mamayang hapon o hanggang umaga ng Nobyembre 8.

Inaasahan din na lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Biyernes.

Pinapanatili ang mga ahensiya sa nasabing lugar na maging handa dahil sa mga mararanasang matinding buhos ng ulan.