Inihayag ng ilang Cabinet secretaries na magsusumite sila ng kanilang courtsey resignations kaugnay sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na courtesy resignations.

Naghain na ng kanyang resignation sina Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Transportation Secretary Vince Dizon at Finance Secretary Ralph Recto.

Habang inaasahan na susunod sina Interior Secretary Jonvic Remulla, Department of Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at Presidential Communications Secretary Jaybee Ruiz.

Sinabi ng mga ito na suportado nila ang panawagan ng Pangulo, para sa pagsusulong ng transparency, integrity, katapangan at compassion para sa tapat na pagsisilbi sa mamamayan.

Ayon sa mga ito, sila ay nagsisilbi sa kagustuhan ng Pangulo at suportado nila kung ano man ang kanyang desisyon.

-- ADVERTISEMENT --