Inihayag ni Mars Cabungal, chairperson ng 1st NOVO Vizcayano Transport Travelers Cooperative na kinakailangan munang tignan ang mga magiging epekto sa isinusulong ng senado na pagkakansela ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Cabungal, marami na ang nakapagconsolidate habang dalawang grupo lamang ang umaapela sa senado kung kaya’t hindi na ito patas lalong lalo na sa mga kasalukuyang gumagamit ng modernize jeepneys.

Imbes aniya na umasenso ang Pilipinas ay mukhang malabo pa dahil nakatutok lamang ang gobyerno sa mga tradisyonal jeepneys.

Sa panayam naman kay Elvira Miguel Arcangel Chairperson, Far East Van Transport Cooperative, Sanmateo, Isabela, ay umaasa parin ito na ipagpapatuloy parin ng gobyerno ang PUVMP dahil kapag kinansela ito maaring makaranas ng mga pagkaantala hindi lamang sa mga operator at driver kundi pati na rin ang mga pasahero.

Maari rin umano na maging sanhi ito ng pangamba ng bawat miyembro ng kooperatiba kung saan maaring makaapekto sa pakikilahok ang mga ito sa mga susunod pa na mga programa.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa dito ay mas ligtas at komportable din na gamitin ang modernize jeepneys kumpara sa mga tradisyonal jeepneys.

Samantala sinabi naman ni Wilfredo Baligod Chairperson, tuao united builders transport cooperative, maraming pasahero ang tumatangkilik na sumakay sa modernize jeepneys gaya na lamang ng mga estudyante, guro, senior citizen at marami pang iba kung saan nagbibigay ito ng maayos na tranportasyon at nakakatulong sa pag iwas sa trapiko at polusyon.