Nagsuspindi ng pasok sa mga eskwelahan at sa trabaho ang mga bayan ng Abulug, Santa Ana, at Ballesteros bunsod ng tsunami warning na inilabas kasunod ng nangyaring 7.7 magnitude na lindol sa Taiwan.
Sinabi ni Michael Conag ng Office of the Civil Defense Region 2 na highly recommended din sa iba pang coastal municipalities sa Cagayan, sa lalawigan ng Batanes at isabela ang pagsuspindi rin ng pasok.
Ayon sa kanya, kasalukuyan na rin ang preemptive evacuation sa Batanes at sa coastal towns sa hilagang bahagi ng Cagayan.
Gayonman, sinabi niya na batays sa report ng Philippine Coast Guard at ilang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na saklaw ng tsunami warning ay wala pa naman umanong abnomalities sa dagat.
Ayon sa kanya, oobserbahan ang dagat hanggang mamayang 11:00 ng umaga at paglampas ng nasabing oras at walang makikitang pagtaas ng mga alon, ibig sabihin ay hindi magkakaroon ng tsunami.