TUGUEGARAO CITY-Muling binalaan ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang mga computer shops na nagpapasok ng mga menor de edad at mga estudyante sa oras ng kanilang klase.
Sinabi ni Andres Baccay, head ng Business Permit and Licensing Office na muli nilang pinulong ang mga computer shop owners matapos na makatanggap ng mga reklamo na may ilan pa rin sa kanila ang lumalabag sa ordinansa na bawal magpapasok ng mga minors at mga mag-aaral mula 7:00 am hanggang 5:00 pm.
Bukod dito, pinaalalahanan din niya na hanggang 10:00 pm lang ang operasyon ng mga computer shops.
Kasabay nito, sinabi ni Baccay na kung patuloy pa rin silang makakatanggap ng mga reklamo mula sa mga magulang ay muli silang magsasagawa ng operasyon laban sa mga pasaway na computer shops para maipasara at mapagmulta.
Kaugnay nito,pinayuhan ni Baccay ang mga computer shop owners na maghain ng kanilang petisyon sa sangguniang panlungsod sa kanilang kahilingan na dapat na payagan ang mga mag-aaral na pumasok sa kanilang shops sa kanilang lunch break mula 11:00 am hanggang 1:00 pm at mapalawig ang oras ng kanilang closing time dahil may mga gusto umano mag-internet at maka-video call ang kanilang mga kamag-anak na nasa abroad dahil sa magkaiba ang oras sa Pilipinas at kinaroroonang bansa ng kanilang mga kamag-anak.
Igniit ni Baccay na hangga’t hindi pa naaamiendahan ang ordinansa ay kailangan itong mahigpit na ipatupad.
Vc baccay july 12