TUGUEGARAO CITY-Binigyang linaw ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO 1) kung bakit mataas ang bayarin sa konsumo
ng kuryente na natanggap ng mga konsumer nito.

Ayon kay Brian Niguidula ng CAGELCO 1, isang dahilan ng mataas na bayarin sa kuryente ay bunsod ng mas
mataas na konsumo rito kung saan sagaran ang nagiging paggamit ng consumers sa mga appliances upang
mapawi ang nararamdamang tindi ng init.

Bukod dito, tumaas din ang electricity rates partikular ang generation cost at transmission cost
bunsod ng madalas na pagpalya ng ilang power plant ngayong dry season dahil sa mataas na demand ng
kuryente.

Dahil dito kung kaya tumaas din ang presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM)
kung saan nagmumula ang kanilang supply.

Dagdag pa ng kooperatiba na ang hindi maayos na paggamit sa mga appliances tulad ng hinahayaang
nakasaksak kahit na hindi naman nagagamit ay nakadagdag din sa konsumo ng kuryente.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman ang CAGELCO 1 na magiging stable o sapat ang supply ng kuryente sa mga susunod na buwan
para mapababa din ang singil sa konsumo sa koryente.

Ang manipis na power supply aniya dahil sa pagpapatupad ng maintenance shutdown ng mga power plant.

Ipinayo naman ng CAGELCO 1 sa mga member consumers ang pagtitipid at respon sableng paggamit ng
kuryente para maiwasan ang mataas na electric bill.