
Ilang deboto ang dinala sa mga ospital sa gitna ng kasalukuyang traslacion sa Manila kaninang madaling araw, ayon sa Philippine Red Cross.
Sa update kaninang 6 a.m., sinabi ng PRC na dalawang pasyente ang dinala sa Philippine General Hospital at isa sa East Avenue Medical Center.
Dalawa pang pasyente mula sa PRC Emergency Field Hospital ang inilipat sa ibang mga ospital.
Sinabi ng PRC na nasa 100 pasyente na ang kanilang tinulungan.
Karamihan sa mga kaso ay vital signs monitoring, na umaabot sa 58 katao.
Kabuuang 34 na deboto ang ginamot sa minor conditions tulad ng pagkahilo, abrasions, minor wounds, sprains.
Limang pasyente ang nagtamo ng major injuries, kabilang ang mga nagtamo ng malalim na sugat.
Bukod sa medical services, nagbigay din ang PRC ng welfare assistance sa 16 na inidbidual, na binigyan ng psychological support, referrals, at communication assistance.
Nagtalaga ang PRC ng 17 firt aid stations, 19 ambulance, at siyam na Medic on Wheels units para sa traslacion.
Pinakilos ang nasa 1,200 PRC staff at volunteers para tumugon sa mga emergencies sa panahon ng prusisyon.










