Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang flights nito papuntang Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.

Ayon sa PAL, suspendido hanggang April 30 ang mga biyahe papuntang Dubai at Doha East upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, crew, at kanilang mga eroplano.

Sinabi ng airline na may flexible options ang mga apektadong pasahero, kabilang ang free rebooking o Travel Fund conversion, kung nais nilang ipagpaliban ang kanilang biyahe.

Pinapayuhan din ang mga biyahero na regular na i-check ang updates mula sa airline bago bumiyahe.