Ilang indibidwal ang nasawi habang marami ang nasugatan matapos salpukin ng isang sasakyan ang grupo ng mga tao sa isang street festival sa lungsod ng Vancouver.

Sa isang pahayag na inilabas sa social media platform na X, kinumpirma ng Vancouver Police na may ilang katao ang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan kung saan patuloy na inaalam ang bilang.

Sa ngayon ay hawak ng pulisya ang drayber ng sasakyang sangkot sa insidente.

Naganap ang trahedya habang ginaganap ang isang pagtitipon ng Filipino Community para ipagdiwang ang Araw ni Lapu-Lapu.

Ayon kay Vancouver Mayor Ken Sim, ang insidente ay nangyari sa gitna ng isang selebrasyon para kay Lapu-Lapu — isang kilalang lider na lumaban sa kolonyalismong Espanyol noong ika-16 na siglo.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang nagpapahayag ng pakikiramay ang iba’t ibang sektor sa mga biktima at kanilang pamilya.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi noong Sabado (alas-3 ng umaga, Linggo sa GMT) sa Sunset on Fraser neighborhood ng lungsod — isang lugar na kilala sa aktibong komunidad ng mga immigrants, kabilang ang maraming Pilipino.