Blangko pa rin ang mga residente ng Brgy Racat, Sta Ana, Cagayan kung ano ang dahilan ng demolition sa kanilang mga kabahayan kahapon

Sa naging panayam kay Lily Babas, isa sa mga naapektuhan ng demolition, wala umanong ibinigay na abiso sa kanilang barangay na magsasagawa ng demolition ang nasa mahigit 100 na demolition team.

Ayon kay Babas, maging ang kanilang barangay chairman ay nagulat at wala ring nagawa habang isinasagawa ang demolition sa kanilang mga kabahayan.

Giit ni Babas, sa kanila umano ang lupa na kinatitirakan ng kanilang bahay kung kaya’t laking gulat na lamang nila nang biglang dumating ang mga demolition team at sinira ang kanilang mga tahanan.

Nabatid na ito na umano ang pangalawang beses na nagsagawa ng demolition sa lugar kung saan 16 na bahay ang unang sinira at apat naman kahapon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni Babas na nagpatayo umano ng tent ang kanilang pamilya para may pansamantalang tutulugan.

Samantala,pinayuhan ni Mayor Darwin Tobias ang mga residente na huwag umalis sa kanilang lugar matapos na ipaabot ang pangyayari sa kanyang tanggapan