TUGUEAGARAO CITY-Wala pa ring pinapayagang dumaan na anumang uri ng sasakyan ang ilang kalsada sa bayan ng Claveria dahil sa naitalang pagguho ng lupa sa ilalam ng mga daan at ang pagkakaroon ng bitak.
Ayon kay Wilson Valdez, tagapagsalita ng Department Of Public Works and Highways (DPWH)-region 2, nakita ang mga malalaking bitak sa mga kalsada matapos matanggal ang mga nakaharang na debris sa lugar.
Aniya, delikado para sa mga motorista ang mga nakitang bitak dahil anumang oras ay maaari itong bumigay kung kaya’t nananatiling sarado.
Pahiraman din para sa kanilang mga tauhan ang pagdala ng mga kakailanganing gamit para sa pagsasaayos ng daan dahil sa mga nakitang bitak ng kalsada.
Sinabi ni Valdez na sinubukan din ng kanilang grupo na gumawa ng pansamantalang daanan sa lugar ngunit dahil sa patuloy na buhos ng ulan ay naantala.
Samantala, bukod sa Claveria ay hindi rin madaanan ang Cadcadir to Cabugao road , Capacuan-Salongsong bridge maging ang Brgy. Portabaga bridge at brgy macatel bridge sa bayan ng Sta Praxedes.
Sa bayan naman ng Sanchez Mira ay hindi rin madaanan ang kalsada papunta sa Barangay Santiago, Kittag at Sitio Minanga sa Brgy. Namuac maging sa Patunungan provincial road sa bayan ng Sta Ana dahil sa landslide.