Pansamantalang isasara ang ilang kalsada at magkakaroon rin ng traffic rerouting ngayong Linggo, December 4 upang bigyan daan ang idaraos na Takbo Para kay San Pedro 2.0 na inorganisa ng St. Peter Metropolitan Cathedral Parish sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay POSU Head Arthur Blaquera, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang matapos ang aktibidad sa simbahan ay isasarado nila sa trapiko ang Rizal St. from corner Arellano St. to Gomez St.; along Luna St. from corner Rizal St to Blumentrit St; along Aguinaldo St from corner Blumentrit St to Valenzuela St.; at along Valenzuela St from corner Gomez to Aguinaldo St.

Pinaiiwas muna ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada at oras at pinapayuhan na gamitin ang mga alternatibong ruta para sa rerouting scheme upang matiyak na hindi magkakaroon ng pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Sinabi ni Blaquera na magsisimula ang aktibidad sa pamamagitan ng zumba sa cathedral ng ala-1:00 ng hapon at susundan ng color fun run na dadaluhan ng nasa 15,000 katao mula sa ibat-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Cagayan at karatig probinsiya.

Ang magiging ruta ng fun run para sa 3KM route ay mula cathedral to Aguinaldo St. papuntang Dalan na Pinacanauan Avenue at kakanan sa Taft St o Bombo Radyo, pakanan sa Alecaros St at pabalik sa Rizal St.

-- ADVERTISEMENT --

Para naman sa 5KM route ay parehong ruta subalit didiretso ang mga kalahok sa Lamud St, pakanan sa provincial road papuntang Alecaros St at pabalik sa Rizal St.

Nasa 40 na Traffic Management Group at 40 PNP personnel, kasama ang mga civilian volunteers ang idedeploy sa naturang mga lugar hanggang sa matapos ang aktibidad kung saan magkakaroon ng concert sa gabi.