Naghain ng kanilang kandidatura ang team ni dating Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa ikatlong araw ng filing ng COC.
Muli siyang tatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod ng Tuguegarao sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC at ka-tandem niya si incumbent Vice Mayor Bienvenido De Guzman na nagsumiti rin ng kaniyang certificate of candidacy.
Kasabay na nagsumiti ang ilan sa kanilang ka-ticket sa pagka-konsehal na sina incumbent Tuguegarao City Councilors Jude Bayona, Aldous ‘Danny’ Baccay, Charo Soriano, Karina Gauani, Brgy. Capt. Denden Avila, Noynoy Abraham, Aaron Binarao, Rico quinto at Sk Chairman Ged Narag habang ang iba nilang kaalyado ay sa susunod na mga araw maghahain ng COC.
Sa pulong balitaan, nilinaw ni Vice Mayor De Guzman na maaari pa siyang tumakbo sa pagka-bise alkalde dahil na-interrupt ang kaniyang termino matapos siyang manumpa bilang alkalde mula Pebrero hanggang Setyembre 2017 nang maglabas ang desisyon ng Office of the Ombudsman sa kasong kinakaharap ng noon ay Mayor Soriano.
Bukod sa mga legal expert, sinabi ni De Guzman na humingi na rin siya ng legal opinion sa Comelec para malinawan ang publiko sa naturang isyu.
Samantala, inihayag ni Soriano na mayroong alyansa ang Team JeffSor at Team Kaunlaran ni Cong. Joseph Lara ng ikatlong Distrito ng Cagayan.
Paliwanag ni Soriano na kabilang sa iisang political party na Nationalist People’s Coalition ang kanilang grupo at ng maybahay ni Cong. Lara na si Dr. Zarah na muling sasabak sa pagka-gobernador ng Cagayan.
Samantala, sinabi naman ni dating Cagayan 1st District Board Member AJ Ponce na wala pang pinal kung ano ang kaniyang tatakbuhan.
Subalit, inihayag niya na ikinokonsidera niya ang pagtakabo sa pagka-bise gobernador o provincial board member ng ikatlong Distrito ng Cagayan dahil residente siya ngayon dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay ponce na inialok niya ang kaniyang sarili para tumakbo bilang vice governor ni Doc. Zarah pero naka-commit na umano ang grupo kay incumbent 3rd District Board Member Leonides Fausto na naghain na rin ng kaniyang COC para vice governor.
Dagdag pa niya na lumapit umano sa kaniya si 2nd District Congw. Baby Aline Vargas-Alfonso at inalok na maging running mate noong naghayag si Vargas-Alfonso na tatakbo sa pagka-gobernador.
Kinakausap umano siya ni Vice Governor Melvin Boy Vargas Jr. na naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-gobernador para maging ka-tandem niya sa May 2025 national at local elections.
Ayon kay Ponce na magkakaroon ng pinal na desisyon hanggang sa huling COC filing sa October 8 kung saan nakahanda umano ang kaniyang dalawang COC para sa bise gobernador at 3rd district board member.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Soriano ang batayan ng kaniyang team sa pagpili ng kanilang kaalyado o kasama at ito ay dapat nakasentro sa core value ng team Jeffsor na faith in God, Love of fellowmen, protection and health for the needy and the poor.