TUGUEGARAO CITY- Lumagda sa peace covenant ang mga kandidato ng Tuguegarao City at Enrile,Cagayan kaninang umaga kaugnay sa nalalapit na pagsisimula ng local campaign.

Isinagawa ang peace covenant signing sa Cagayan Police Provincial Office.

Ayon sa PNP,tanging Tuguegarao at Enrile lang pinadalo sa nasabing aktibidad dahil sa ilang security concerns at mainit na tunggalian ng mga kandidato.

Sa katunayan,isa ang Enrile sa tinukoy ng PNP na isa sa potential election hot spot.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang regional at provincial at election supervisors na sina Julius Torres at Manuel Castillo at ang head ng PPO at PNP region 2 director Mario Espino.

-- ADVERTISEMENT --

Isa lang sa tatlong na gubernatorial candidate ang dumalo sa nasabing peace covenant signing sa katauhan ni 3rd district Congressman Randol Ting.