TUGUEGARAO CITY- Suportado ng ilang kapitan sa Tuguegarao City ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address na ipagpaliban ang barangay elections sa 2022 na nakatakda sana sa susunod na taon.
Sinabi ni Margarita Micua ng Namabbalan Sur na sang-ayon siya sa pahayag ng pangulo dahil sa mas mabibigyan sila ng sapat na panahon para maipatupad ang mga programa sa kanilang nasasakupan.
Ayon naman kay Rey Ramirez ng Caritan Centro na walang problema sa kanya kung matutuloy o hindi ang barangay eleksion.
Gayonman, sinabi niya na kung maipagpapaliban man ang nasabing pagpipili ay dapat na tiyakin ng mga nakaupong barangay officials na gawin ng maayos ang kanilang mga trabaho.
-- ADVERTISEMENT --