National Meat Inspection Service

TUGUEGARAO CITY-Agad ibinaon sa lupa ang mga nakumpiskang karne at nabigyan ng babala ang mga negosyante matapos ang magkakahiwalay na operasyon ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region II sa Probinsiya ng Cagayan.

Ayon kay Regional Director Orlando Ongsoto ng NMIS Region II , isinagawa sa isang malaking mall dito sa lungsod ng Tuguegarao ang ilang operasyon kung saan kinumpiska ang nasa walong kilong atay ng baboy dahil ito’y “spoiled meat”.

Nakumpiska rin sa bayan ng Camalanuigan ang nasa 18 kilong frozen imported meat dahil walang kaukulang permit.

Naniniwala at nakikita umano ng director na kaya hindi nahihinto ang paglabag ng mga negosyante dahil kumikita umano sila dito.

Dahil dito, isa umano sa kanilang aktibidad sa darating na Mayo 28 ay ang pagtitipon-tipon ng mga Provincial Veterinarians dito sa Cagayan at Quirino maging sa mga first class municipalities para masolusyonan ang mga ganitong problema.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito , umaasa ang director na sa tulong ng nasabing aktibidad ay susunod na sa alituntunin ang mga negosyante para matiyak na ligtas ang mga ibinebentang karne sa merkado.