Kalinga State University

TUGUEGARAO CITY-Pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Rehiyong Cordillera ang Kalinga State University na magsagawa ng limited face to face classes para sa kursong Bachelor of Science in Midwifery at Diploma in Midwifery matapos na makapag-comply ito sa mga requirements ng ahensiya at Department of Health ngayong panahon ng pandemya

Nakasaad sa CHED-DOH joint memorandum circular na epektibo ang limited midwifery face to face classes sa Academic Year 2021-2022 na magsisimula mula Agosto 9, 2021 hanggang Hunyo 30, 2022

Iginiit ni Dr. Eduardo Bagtang, University President, ang pangangailangan ng limited face to face classes sa mga health related degree programs dahil nakasentro ang mga ito sa pagligtas ng buhay ng mga tao gaya ng midwifery na ang pangunahing trabaho ay magligtas ng buhay ng mga nanay na nanganganak at pangangalaga sa mga bata.

Kabilang ang BS midwifery at diploma in midwifery sa mga health related degree programs na mayroong malaking papel sa health system ngayong pandemya.

Suportado naman ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Kalinga ang hakbang na ito, basta tiyakin ng eskwelahan na hindi maikompromiso ang kalusugan ng mga mag-aaral at ang buong probinsiya ng Kalinga sa banta ng covid-19.

-- ADVERTISEMENT --