TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang isasara ang ilang lansangan sa lungsod ng Tuguegarao partikular sa Gonzaga, Del Rosario at Gomez street bilang paghahanda sa pagbubukas ng “Baratilyo/presyo agawid sa Hulyo 30 na tatagal hanggang Septyembre 17, para sa nalalapit na ika-295th Afi Festival.
Sa naganap na regular session kahapon, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na naglalayong bigyan ng otoridad si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na ipasara ang mga nasabing lansangan.
Kaugnay nito,siniguro ng mga konsehal na pagdating ng Setyembre 18 ay nakaalis na ang mga nagbebenta sa baratilyo.
Samantala, batay parin sa naganap na session, napagkasunduan ng mga konsehal at mga operator ng Baratilyo na magbabayad sila ng hindi bababa o tataas sa dalawang milyon piso kung saan mapupunta ito sa collection ng City Government.
Nabatid na P1.7 milyon ang binayaran ng mga operator ng baratilyo noong nakaraang taon.