Kinumpirma ng Department of Agriculture na nagsimula nagsimula nang bumili ng palay direkta sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan at mga Local Government Unit sa Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Narciso Edillio, executive director ng DA-RO2 na may ilang LGUs na sa Isabela at Quirino ang lumapit sa Land Bank of the Philippines para sa uutanging pondo sa pagbili ng palay.

Ayon kay Edillio, maaaring gamitin ng mga LGUs ang kanilang internal revenue allocations bilang collateral sa maaari nilang utangin sa Landbank sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may interes na 2% lamang.

Gagamitin ng mga LGUs ang naturang pondo sa procurement ng mga palay sa halagang P15 hanggang P17 bawat kilo na kanila namang patutuyuin, igigiling at ibebenta.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng reklamo mula sa agriculture sector hinggil sa mababang presyo ng pagbili ng palay na epekto ng Rice Tariffication Law.

-- ADVERTISEMENT --

—with reports from Bombo Efren Reyes, Jr