Inihayag ng state weather bureau na posibleng maranasan sa ibang lugar sa bansa ang hanggang 50 degrees Celsius (°C) heat index ngayong tag-init.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng maramdaman ang pinakamataas na heat index ngayong dry season sa bansa Abril o sa Mayo.

Kaugnay nito, sinabi ng Pagasa na hindi mararanasan sa bansa ang heat wave.

Ipinaliwanag ng ahensiya ang abnormal na pagtaas ng araw-araw na temperatura ay kadalasang nangyayari sa mid-latitude areas na nararanasan ang apat na season.

Ang heat wave ay kadalasang dalawa hanggang tatlong araw na daytime temperature na tumataas ng .05°C o mas mataas.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Pagasa, dito sa ating bansa, nalalantad tayo sa init ng araw sa buong taon, kaya kung magkakaroon ng minimal na pagbabago sa temperatura sa araw, hindi ito agad na mararamdaman.

Dahil dito, hindi ito maituturing na nararanasan ang heat wave.

Kahapon ay idineklara ng Pagasa ang simula ng dry season sa pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan.