Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan at hangin ang malaking bahagi ng Batanes dahil sa bagyong Leon habang ito ay papalapit sa dulong bahagi ng northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 140 kilometers ng silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour at pagbugso na umaabot sa 230 kph.
Sa ngayon ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No.5 sa northern and eastern portions ng Batanes partikular na sa Itbayat at Basco. Habang Signal No.4 naman sa natitirang bahagi ng Batanes, Signal No.3 naman sa Babuyan Island, Camiguin Island at Calayan Island, ganundin sa northeastern portion ng mainland Cagayan sa Santa Ana.
Signal No. 2 sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern portion ng Isabela partikular sa Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, at Maconacon, Apayao, northern portion ng Kalinga , northern portion ng Abra.
Habang Signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, iba pang bahagi ng Abra, ganundin sa Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, northern at central portions ng Pangasinan, northern t eastern portions ng Nueva Ecija, at northern and central portions ng Aurora partikular sa Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, at Dilasag.